MattAndJojang's Blog

God. Life. Spirituality.

Ang Unang Itinatanong

leave a comment »

Noong araw, pag may isang bagun-tao’y napakasal,
Mabait ba ang babae ? – ang tanong ng makaalam ;
Noo’y parang sinasabi na ang bait ng katipan
ay sapat na upang siya’y ihatid sa isang altar.

Hindi naman nalauna’t kung may mag-iisang palad,
Maganda ba ang babae? – ang tanong ng kamag-anak
Matang tala’t pisnging sutla ang kanilang hinahanap
na tila ba ang ligaya ay sa ganda masusukat.

Ngayon naman, kapag ikaw’y nag-asawa’t tatanungin;
Mayaman ba? Mapilak ba? May mana bang tatanggapin?
Kahit na ang babaing nahirang mo’y bulutungin,
pag sa pilak nakahiga’y sasabihing maganda rin.

Tila hindi nalalamang sa isang pag-aasawa,
iyang bait, iyang dilag at salapi’y di pang-una;
bigkis lamang ng pag-ibig ang dalawang magsasama
ang tahanang itatayo’y mapupuno ng ligaya.

Marami nang nagpakasal nang dahilan sa salapi,
may sa ganda’t may sa bait na kanilang minimithi
nguni’t pawang nagsihantong sa karimlan ng pighati,
ang pagsinta’y pagsinta rin ang tunay na hinihingi.

Nilikha ni : Amado V. Hernandez
Disyembre 4, 1929

This is a poem that my Mommy recited on my wedding day. And the wedding day of my two other siblings. Today is my Mommy’s birthday anniversary. And we miss her so much because she has passed on already. I posted this poem, to honor her.

– Jojang

Advertisements

Written by MattAndJojang

September 7, 2008 at 1:11 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: